PAALALA | 20% discount ng mga senior citizen at PWD, ipinaalala

Manila, Philippines – Pinaalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante na ibigay ang 20% discount ng mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa mga produkto at serbisyo lalo na ngayong holiday season.

Binigyang linaw ni DTI Secretary Ramon Lopez ang ilang kalituhan sa pagbibigay ng diskwento.

Aniya, sakaling naka-promo ang binibili ng isang senior citizen ay maaari pa ring i-avail ang diskwento o kung ano ang mas mataas na discount sa dalawa.


Katwiran ng kalihim hindi pinapahintulutan ang double discount sa mga serbisyong nasa ilalim ng isang promotion.

Kung nagkataon naman na ang senior citizen ay may kapansanan din ay iisa lamang sa discount card ang maaari nitong gamitin.

Facebook Comments