PAALALA | AFP, nanawagan sa mga kapatid na Muslim na maging mapagmatyag

Manila, Philippines – Humihiling ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kapatid na muslim na maging mapagmatyag pa rin sa harap ng pagsisimula ng pagobserba ng ramadan kagabi.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, hindi nila inaalis ang posibilidad na may mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng gulo para guluhin ang taimtim na pagobserba ng Ramadan.

Sinabi pa ni Arevalo na tinitiyak ng AFP sa publiko na hindi sila tumitigil sa pagsasagawa ng focused military operations para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino.


Ginagamit din aniya ng kanilang mga sundalo ang pagiging alerto sa mga ganitong religious occasion nang sa ganun hindi makalusot ang mga masasamang loob.

Kaugnay nito nagpahayag naman ng pakikiisa ang AFP sa mga kapatid na Muslim sa bansa at sa buong daigdig sa pagdiriwang ng Holy month of Ramadan.

Sinabi pa ni Arevalo na magsilbing paalala ang isang buwang pagninilay at pagdarasal sa kahalagahan ng kapayapaan, pagmamahal, at pakiki-kapwa tao.

Facebook Comments