PAALALA | AFP, nanawagan sa mga Muslim na maging mapagmatyag ngayong Ramadan

Manila, Philippines – Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Muslim na maging mapagmatyag ang pagsisimula ng buwan ng Ramadan.

Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo na kaisa ng mga Muslim ang AFP para sa isang buwang penitensya at pagdarasal para ipaalala sa ang kalahagahan ng kapayapaan, pagmamahal, at pagtutulungan.

Pero tiniyak ni Arevalo na naka-alerto pa rin ang AFP laban sa mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng karahasan.


Kasabay nito, umapela si Arevalo sa publiko na makipagtulungan para maiwasan ang kaguluhan sa kasagsagan ng Ramadan.

Facebook Comments