Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga botante na huwag gumuhit ng emoji tulad ng smiley, puso o hashtags sa mga balota.
Nabatid na manual voting lamang isasagawa sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nag-aalala sila lalo na sa mga botanteng ‘millennials’ na maglalagay ng mga hindi kinakailangang markings sa mga balota.
Aniya, maituturing na ‘marked ballot’ at idedeklarang strayed ballot kapag naglagay ng anumang drawing sa balota.
Paalala nito lalo na sa mga kabataan, tanging isusulat lang sa mga balota ay ang pangalan ng mga kandidatong kanilang iboboto at walang anumang design o drawing.
Ang mga millennials ay tinatawag ding ‘Generation Y’ o mga pinanganak ng early 1980’s hanggang early 2000’s.