Suspek sa pagpatay kay Betsy Yap nasampahan na ng Kaso!- PD Wagan

Nasampahan na ng kaso ang suspek sa pamamaril patay sa isang Humanitarian Worker sa Sitio Tenorio Brgy Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao, pasado alas 4 noong hapon ng May 5, 2018.

Agad na ring ipinag- utos sa pamunuan ng Datu Odin Sinsuat PNP sa agarang pagkakaaresto sa suspek ayon pa kay Maguindanao PNP Director SSupt. Edwin Wagan sa naging panayam ng DXMY RMN Cotabato.

Bagaman patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa kaso, malaki ang posibilidad na maaring may kinalaman sa politika ang isa sa motibo ng insidente dagdag ni PD Wagan.


Matatandaang sakay ng Mitsubihi Lancer ang biktimang si Betsy Yap ng ARMM HEART kasama ng apat na iba pa kabilang na ang ina nitong Municipal Kagawad at isa pang SB Kagawad ng South Upi , ng walang awang pagbabarilin gamit ang kalibre kurentay singko ng nag iisang suspek

Samantala nakatakdang ililibing si Betsy sa Marian Hills Cemetery bukas.Kaugnay nito patuloy ang pagbuhos na pakikiramay mula sa kanyang mga kaibigan, katrabaho , kababayan at kapamilya kasabay ng pag-asang mabibigyan na ng hustisya ang sinapit ni Betsy.
pic : MJH

Facebook Comments