Manila, Philippines – Nagbabala muli ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag maligo sa Manila Bay sa Roxas Boulevard Manila matapos na malunod si Christopher Ian Torres 35 anyos isang pedicab driver at residente ng Nakpil Street Paco Manila.
Una nang nagpaalala ang DOH sa publiko na bawal maligo sa Manila Bay kahit matindi ang init na nararanasan nila at gustong magtampisaw sa dagat upang mabawasan ang init sa kanilang katawan.
Paliwanag ng DOH maraming sakit ang makukuha sa pagligo sa maruming tubig mula sa Manila Bay bukod pa sa napakadelikado dahil posibleng malunod sila gaya ng nangyari sa isang pedicab driver na mayroong hang over na naligo sa Manila Bay kasama ang ilang bata.
Dagdag pa ng DOH na marami ng nagkakasakit dahil sa matitigas ang ulo ng iilan na patuloy na naliligo pa rin sa Manila Bay sa kabila ng paalala ng ahensiya.