PAALALA | FDA nagpaalala hinggil sa maling claims ng ilang food supplement

Manila, Philippines – Binabalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa hindi aprubado, mali at nakaliligaw na mga patalastas at promosyon ng PURTIER Deer Placenta Plus Food Supplement na na-monitor mula sa iba’t-ibang mga website.

Ang publiko ay binabalaan na ang mga nabanggit na claims ng nasabing produkto ay hindi inaprubahan ng FDA.

Ang mga produkto ng pagkain kasama na ang food supplements ay hindi dapat magkaroon ng anumang nakaliligaw, mapanlinlang, at false claims sa kanilang mga label o anumang materyal na pang-promosyon na magbibigay ng maling impresyon sa pagkakakilanlan ng produkto.


Ang PURTIER Deer Placenta ay rehistrado bilang food supplement with no approved therapeutic claims.

Ayon sa FDA, ang food supplement ay hindi gamot at hindi rin maaaring gamitin bilang gamot para sa anumang uri ng sakit.

Facebook Comments