PAALALA | Isipan ng mga sundalo huwag guluhin – Biazon

Manila, Philippines – Pinaalalahan ni dating senador at AFP Chief of Staff Rodolfo Biazon si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag guluhin ang isipan ng mga sundalo tungkol sa kanilang mga tungkulin na pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayang Pilipino.

Sa ginanap na forum sa Samahang Plariden sa Kapihan sa Manila Hotel sinabi ni Biazon na na tungkulin ng mga sundalo ay to uphold and defend the constitution habang sa presidente naman ay to defend the constitution at ang sa mga sibilyan ay to support the constitution.

Paliwanag ni Biazon na mahalaga sa isang namumuno ng bansa na huwag guluhin ang isipan ng mga sundalo dahil kapag ginulo patungkol sa kanilang rule sa pangangalaga sa kaligtasan at sinumpaang tungkulin ng mga ito.


Giit ng dating senador na kapag ginulo ang usapin ng mga sundalo hindi malayo na magkaroon ng EDSA 1 pero tiwala naman si Biazon na mayroong sariling prinsipyo ang mga kawani ng AFP.

Facebook Comments