PAALALA | Konstruksyon ng MRT-7, magdudulot ng matinding trapiko

Manila, Philippines – Mas titindi pa ang traffic sa Commonwealth Avenue simula sa Lunes dahil sa konstruksiyon ng MRT-7.

Ayon sa MMDA, mahaba-habang traffic ang mangyayari mula sa Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue dahil gagawing one way ang bahagi ng Regalado highway.

Sisimulan din sa Martes ang paghuhukay ng tunnel na mag-uugnay naman sa elliptical road at North Avenue para sa lagusan ng tren.


Sa Martes din sisimulan ang construction ng Tandang Sora Station na magdudulot ng matinding traffic sa intersection ng Commonwealth at Tandang Sora Avenue.

Sabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maglalabas sila ng mga alternate route para maibsan ang traffic.

Facebook Comments