NBA | Utah Jazz, pasok na sa 2nd round ng NBA playoffs

NBA- Nagbagsak si Donovan Mitchell ng 38 points para tapusin ang serye sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at Utah Jazz sa score na 96-91.

Sinundan siya ni Rudy Gobert na nagtala ng 12 points at 13 rebounds para sa Jazz.

Si Russell Westbrook naman ay umiskor ng 46 points pero hindi parin ito naging sapat para i-extend ang serye para sa OKC.


Samantala, pasok na rin sa 2nd round ang Toronto Raptors matapos nilang padapain ang Washington Wizards, 102-92.

Bumida para sa raptors si Kyle Lowry na nagtala ng 24 points.

Facebook Comments