PAALALA LAMANG PO | Mga Lifeguard at Rescuers, Pinaalalahanan ang mga Beach-goers!

Dagupan City – Nabulabog ang mga turista ng Bonuan Beach mula sa kanikanilang mga ginagawa nang mapag-alamang isang binata ang nalulunod sa malalim ng bahagi ng dagat nitong sabado ng umaga.

Lumikha ito ng panik kung kaya’t kumpol kumpol ang tao ng mga oras na ‘yun. Dala rin ng pag-aalala, isa sa mga lifeguard na nagpapatrolya sa panahong iyon ang nagmamando sa rescue team upang mailigtas at maiahon ang binata. Ligtas namang naiahon ang nasabing binata na di parang walang nangyari. Laking pasasalamat naman ng ama ng binata na napaiyak at napayakap pa sa anak habang pabalik ng kanilang shed.

Sa aming panayam sa isa sa mga lifeguard na nakaposte habang nagrerescue ang ilan sa kanilang mga kasama, sinabi ni Mr. Loreto Velasco na sa mga panahong ito ay marami talagang hindi mapigilan sa pagka-pasaway. Mabuti na lang din at may mga lifeguard na naka-duty at nagbabantay noong panahong iyon. Aniya, huwag na raw ipilit pang lumangoy lalo na kung nakainom at malakas ang alon dahil delikado. Bagama’t kasama iyon sa pagliliwaliw ay gamitan pa rin daw natin ng pagsunod sa batas o mga paalala ng kinauukulan dahil ito rin ay para sa ating kapakanan at kaligtasan.


Inaasahang sa mga nalalabing araw ng summer season ay mas lalo pang darami ang mga dadayo sa Bonuan Beach kaya’t mas pinaiigting ng pamahalaang panglungsod at Task Force Disiplina ang seguridad at pagbabantay ng mga awtoridad sa mga bakasyunista.
Ulat ni Melody Dawn C. Valenton

Facebook Comments