DAHIL SA STEERING FAULT | Eroplano ng Cebu Pacific, nagkaaberya sa Zamboanga International Airport

Zamboanga – Nagkaroon ng aberya ang isang eroplano ng Cebu Pacific.

Partikular ang flight 5J 849 na may byaheng Manila-Zamboanga.

Ayon kay Charo Logarta tagapagsalita ng Cebu Pacific huminto o tumigil sa runway Zamboanga International Airport ang eroplano dahil sa steering fault.


Lahat naman ng pasahero ay ligtas na binaba sa runway.

Kasunod ng nasabing insidente naantala ang ilang flights ng Cebu Pacific kabilang na ang

5J 851 Manila – Zamboanga
5J 839 Zamboanga – Tawi-Tawi
5J 840 Zamboanga – Tawi-Tawi

Humihingi naman ng paumanhin ang naturang airline company dahil sa perwisyong dulot nito sa ilang pasahero.

Facebook Comments