Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa kalsada para maging ligtas sa darating na Undas.
Paalala ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga pasahero, maagang bumiyahe para hindi maabutan ng traffic sa kalsada.
Payo pa ng kalihim sa publiko, kailangan magdala ng sapat na tubig ang mga ito lalong lalo na ang mga mabilis ma-dehydrate.
Pinagbabaon din niya ang publiko ng first aid kit at kinakailangan din may laman itong vomit bag para sa mga taong mabilis mahilo o magsuka.
Sinabihan niya rin na mas mainam magdala ng pagkain na luto kesa sa chichirya para maiwasan ang pagkakaroon ng diarrhea o LBM.
Sa ngayon ay ikinakasa na ng DOH ang mga medical staff at mga ambulansya na ide-deploy sa mga sementeryo sa bansa.
Facebook Comments