Mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagsusunog ng dahon sa likod bahay o kahit anong establisyemento dahil sa masamang epekto nito sa kapaligiran at sa kalusugan ng tao.
Ito ay labag sa Republic Act 9003 o ang Ecological Waste Solid Waste Management Act Sec. 48 Paragraph 3 na kung sino man ang mahuhuli ay makukulong ng 15 na araw at magmumulta 300-1,000. Ayon sa pag-aaral tatlong bilyong tonelado ng biomass ng dahon, kahoy , puno , at basura ang sinusunog at ito ang pangunahing sanhi ng air pollution.
Ang pagsusunog ng dahon ay nagtataglay ng carbon monoxide at benzopyrene na nagbabawas ng hangin sa ating dugo.Maaari ring makuha ang sakit na asthma, emphysema, lung disease at heart disease ang pagsusunog ng dahon.
Tuloy tuloy rin ang kampanya ng DENR ukol sa pagsusunog ng mga basura dahil isa rin ito sa dahilan ng air pollution.
Photo-credited to www.facebook.com/Bawal-Ang-Pagsisiga-Ng-Kahit-Ano-1613573495634121/
PAALALA | Magsusunog ng dahon maaaring mag-multa!
Facebook Comments