PAALALA | MMDA, nag-abiso sa mga motorista hinggil sa isasagawang road repairs ngayong weekend

Manila, Philippines – Muling magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repairs mamayang gabi.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mag uumpisa ang pagkukumpumi alas onse ng gabi mamaya hanggang Lunes ng madaling araw.

Kabilang sa daang sasailalim sa road reblocking at road repair ay ang Southbound lane ng


1. EDSA mula Samson College hanggang P. Tuazon Street (2nd lane).

2. EDSA Eugenio Lopez Street, sa bahagi ng Scout Borromeo (3rd lane from the sidewalk).

Northbound:

3. EDSA fronting Vertis North hanggang Trinoma Mall (2nd lane).

4. Quirino Highway malapit sa Mater Carmeli School (inner lane).

5. España Boulevard patungong Quiapo sa harap ng Ramon Magsaysay High School.

6. A. Bonifacio Avenue, Quezon City Mauban Street (inner lane).

7. Congressional Avenue harap ng Business Bank hanggang Mindanao Avenue (3rdlane).

Ayon sa MMDA alas cinco ng madaling araw sa Lunes ay maaari nang muling madaanan ang mga nabanggit na lugar.

Kasunod nito pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na humanap muna ng mga alternatibong ruta.

Facebook Comments