USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Interpellations ng Senado at Kongreso sa panukalang BBL, tapos na ayon sa MILF

Manila, Philippines – Tapos na ang ginawang interpellations ng Senado at Kongreso sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) 1st Vice Chairman for Political Affairs at Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chair Ghazali Jaafar, dahil tapos na ang interpellations inaasahang sa araw ng Lunes ay gaganapin naman ang amendments, ibig sabihin may pagkakataon ang mga Senador at Kongresista na magpasok ng pagbabago sa mga probisyon na nakapaloob sa panukala.

Sinabi pa ni Jaafar na posibleng bago mag-Lunes ay magkakaroon ng caucus ang dalawang kapulungan upang talakayin kung ano ang kanilang ipapasok na amendments at pagdating ng Lunes ay kanila itong ipa-finalize.
Sa panig naman ng BTC ay isusumite naman nila ang kanilang posisyon sa propose amendments.


Facebook Comments