Paalala ni Año sa gov’t officials, PNP: Magpakita ng delicadeza

Hinikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Chiet Gen. Eduardo Año ang mga kawani ng pamahalaan, pulis, at militar na magkaroon ng delicadeza at maging mabuting ehemplo sa publiko ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.

Kasunod ito ng kontrobersyal na selebrasyon ng kaarawan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas, kasama ang kaniyang mga tauhan sa Tondo, Manila noong Mayo 8, kung saan lumabag raw ang mga ito sa panutuntunan ng ECQ.

“Ang ating sinasabi sa ating mga government officials lalo na sa nasasakupan ng DILG, ito ‘yung tinatawag nating delicadeza, may mga pagkakataon na kailangan maging example ka,” tugon ni Año sa panayam ng isang radio station.


Muli rin pinaalala ng kalihim na bawal ang anumang uri ng mass gathering sa panahon ng enhanced community quarantine.

“That is a big no no, habang nasa ECQ tayo, wala ‘yung mga celebration na ganyan, ‘yung mga organized dinner na ganito, hindi ‘yan ano… delicadeza nga eh. Right then and there, dapat ipatigil mo,” giit ni Año.

Ipapaubaya na lamang daw ng opisyal ang imbestigasyon sa Philippine National Police (PNP) na nangakong magiging patas sa pagsisiyasat.

Nitong Miyerkoles, kumalat sa social media ang larawan ng pagtitipon para sa kaarawan ni Gen. Sinas na maaring binatikos ng maraming netizen at nang maging ilang mambabatas.

Facebook Comments