PAALALA | PNP, wala pang namo-monitor terror threat habang papalapit ang Semana Santa

38

Manila, Philippines – Walang namomonitor na terror threat ang Philippine National Police (PNP) habang papalapit ang Holy Week.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, sa ngayon ay wala silang namo-monitor na banta ng terorismo bago ang mahabang bakasyon ng mga Pilipino na karamihan ay uuwi sa habang ang iba at bibisita sa mga tourist destinations.

Pinayuhan naman ni Dela Rosa ang publiko na huwag masyadong mag-relax at manatiling alerto sa kapaligiran laban sa mga kriminal.

Una nang inilunsad ng PNP ang “Ligtas Sumvac 2018” kung saan pina-igting ang police visibility sa iba’t-ibang pampublikong lugar kabilang ang mga simbahan, mall, palengke, pantalan, paliparan, bus terminal MRT, LRT, tourist spots at iba pa.

Facebook Comments