HINDI SISIBAKIN | PCO Secretary Martin Andanar, dismayado sa paulit-ulit na pagkakamali ng kanilang tauhan kaugnay sa maling grammar sa inisyung ID ng mga media

84

Manila, Philippines – Dismayado si Communications Secretary Martin Andanar sa paulit-ulit na nagkakamali ang mga tauhan ng Presidential Communications Office (PCO) at mga nangangasiwa sa International Press Center (IPC).

Ito ay matapos na mag-isyu ang Malacañang ng media identifications card na may mga maling grammar kung saan agad itong ipina-recall ni Andanar.

Aminado ang kalihim na may breach of protocol at hindi umano ipinakita sa kaniya ang likurang bahagi ng ID at iligal ang paggamit ng kaniyang pirma.

Pero sa kaila nito, sinabi ni Andanar na maliit na pagkakamali lamang ang nagawa ng IPC staff kaya at wala siyang planong sabihan ang mga ito na magbitiw na sa pwesto.

Facebook Comments