MANILA, PHILIPPINES – Pinaalalahanan ng Comission on Elections ang mga Kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na sumunod sa mga guidelines sa paggamit ng campaign materials ngayong nagsimula na ang campaign period.
Alinsunod sa Comelec Resolution, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsabit o paglalagay ng mga campaigns ads o materials sa punong -kahoy, light posts, electrical wires, eskwelahan, waiting sheds, sidewalks, traffic signs, mga tulay, barangay halls, health centers, public shrines, public transport terminals, airports at seaports,
Bawal ding lagyan ng election material ang mga government patrol cars, ambulansiya, trains at sa mga terminal stations, mga overpass at underpass, center islands at public announcement boards.
May palaala ang comelec na may parusang pagkakulong sa sinumang kandidato na lalabag dito mula isa hanggang 6 na taon, diskuwalipikasyon sa panunungkulan sa public office, at iba pa.
Sinumang indibidwal ay maaaring magsumbong sa mga paglabag sa mga police stations at tanggapan ng comelec.
Pinayuhan ang lahat ng kandidato at mga supporters na gamitin ang mga itinalagang common posters area sa pagsabit ng campaign materials.