Paalala sa mga mahilig magbigay sa mga nanlilimos!

Dahil sa papalapit na kapaskuhan nagpaalala ang Task Force for the Protection and Prevention of Street Values ng Dagupan City sa mga namimigay ng limos na tumulong sa tamang paraan.

Ayon kay Laila Natividad Chaiperson ng Task Force for the Protection and Prevention of Street Values ng Dagupan City mayroong Presidential Decree 1563 o Anti-Mendicancy Law sa Pilipinas na nagbabawal manlimos at mamigay ng limos na kung saan ito ay hindi isang paraan ng pagtulong at nakakadagdag ng krimen sa Dagupan City. Sa ngayon mayroon ng singkwenta(50) na batang namamalimos ang nasagip ng mga ito ngayong buwan ng Nobyembre. Ang mga batang nasasagip ay pinapatawag ang kanilang mga magulang at pinagsasabihan ang mga ito tungkol sa kanilang mga anak.

Time to time na nag-iikot ang mga kawani ng Task Force for the protection and Prevention of Street Values sa buong Dagupan City. Mayroon silang dalawang rescuer at mga ojt na kasama sa pagbabantay sa buong Dagupan City. Paki usap ni Mam Laila na makipag participate ang mga nanlilimos at namimigay ng limos. Maaring makipag ugnayan sa kanilang opisina tungkol sa pagtulong sa mga batang namamalimos.


Ang Anti-Mendicancy Law ay inilabas sa pamumuno ng dating Presidente na si Ferdinand Marcos noong 1978.

Facebook Comments