PAALALA SA PUBLIKO UKOL SA NARARANASANG INIT NG PANAHON, MAS PINAG-IIGTING

Mas pinag-iigting ang pagpapaalala sa publiko ng ilang hanay ng gobyerno tulad ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa pamamagitan ng Regional DRRMCs ukol sa pagdeklara ng DOST PAGASA na El Nino Alert.
Bunsod ito ng walumpong porsyentong tyansang maaaring maranasan ang matinding tag-init mula sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.
Sa lungsod ng Dagupan, madalas ay nasa 40 to 42 degree Celsius ang naitatalang heat index, indikasyon nito’y Danger Category kaya’t pinapayuhan ang mga Dagupeño na ugaliing mag-inom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at mga sakit tulad ng heat exhaustion at heat stroke.

Kaugnay din nito ang pagpapaalala ang ilang mga hakbangin ilang paghahanda sa itinaas na alert status ng nararanasang tag-init. Pinapayuhan din ang lahat ukol sa tamang pamamaraan ng paggamit ng tubig at kuryente, ang pagpapalawig ng komunikasyon sa mga komunidad ukol sa mga warnings at ilang reminders kaugnay pa rin sa El Nino at iba pa. |ifmnews
Facebook Comments