PAG-USAD NG ADHIKAING NUCLEAR POWER SA LALAWIGAN PANGASINAN, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang pag-usad at prosesong naisasagawa ng Special Committee on Nuclear Energy katuwang ang iba pang ahensya sa pagsusulong ng Nuclear Power Plant sa lalawigan ng Pangasinan.
Alinsunod dito, naganap ang ilang workshop ukol sa Nuclear Law at International Legal Instruments on Nuclear Energy kasama ang International Atomic Energy Agency (IAEA) na layong makapagbigay kaalaman kaugnay sa pagsasabatas nito sa bansa.
Ilan pang kaalaman ang natalakay tulad ng mga probisyong kailangang isaalang-alang sa batas, katulad ng regulatory control, safe and secure uses, at iba pa.
Samantala, sa pagpapalawig ng adhikaing ito ay may layong makamit ang isang mura, malinis, at ligtas na pagkukunan ng kuryente laan para sa lahat.
Facebook Comments