PAALALA | Security and Exchange Commission, nagbabala kontra one cash trading

Manila, Philippines – Nagbabala ang Securities and Exchange Commission o SEC sa publiko laban sa mga indibidwal o grupo ng tao na nagpapakilalang kinatawan ng one cash trading na humihikayat sa publiko na mamuhunan sa nabanggit na entidad gamit ang internet.

Ayon sa ipinalabas na advisory ng SEC nitong buwan ng Marso, ang komisyon ay nakatanggap na reports mula sa publiko.

Sinasabi na ang one cash trading ay isang online trading na may pangakong return of investment na 200 percent sa loob lamang ng walong linggo.


Sa facebook account ng one cash trading, ang publiko ay iniimbitahan na mag sign up sa kanilang website sa pamamagitan ng sponsor link at magdeposito ng one thousand pesos bilang enrollment fee.

Ang publiko ay binabalaan sa mga tulad na investment scheme, higit kung may gamit na pera o virtual currencies tulad ng bitcoin, etherium, ripple, dash, litecoin, monero, sibcoin, mooncoin at iba pa na itinuturing bilang securities na subject sa regulatory authority ng commission.

Ang pag aalok o pagbebenta ng mga securities sa publiko ng walang permit o lisensya mula sa komisyon ay isang paglabag sa seksiyon 8.1 ng Securities Regulation Code (SRC).

Ipinapaalam sa publiko ng SEC na ang one cash trading ay hindi nakarehistro sa komisyon bilang korporasyon o partnership at hindi awtorisadong mag-solicit ng mga pamumuhunan mula sa publiko.

Facebook Comments