WALANG PASOK | March 28 half-day ang pasok!

Mahabang bakasyon ang aasahan ng mga nasa pampublikong opisina at paaralan ngayong linggo. Inagahan kasi ng palasyo ang pag-deklara ng walang pasok upang hindi mahirapan ang mga kawani nitong bumyahe sa kanikanilang destinasyon ngayong semana santa.

Katunayan bilang preparasyon sa parating na obserbasyon ng semana santa dineklara ng palasyo kahapon ang suspensyon ng pasok sa gobyerno, mga korporasyong kontrolado ng estado, at pampublikong mga paaralan (elementary to college) bukas simula 12:00 ng tanghali para bigyang daan ang paghahanda ng mga kawani nito.

Ngunit ang mga kawani at ahensya na may kinalaman sa seguridad at kaligtasan mga mamamayan ay asahang patuloy na gagampanan ang kanilang tungkulin ngayong bakasyon.


Facebook Comments