Paalam at hanggang sa muli Radyoman Ian

195

Ihahatid na ngayong araw sa kanyang huling hantungan si iFM-RMN Baguio Station Manager Ian Glenn Binaldo na sumakabilang buhay kahapon sa edad na 37.

Sa kasalukuyan, ikine-cremate na ang labi ni Radyoman Ian na nasawi dahil sa massive heart attack.

Kaisa ang DZXL 558kHz RMN Manila at buong RMN Networks sa pagdadalamhati at pakikiramay sa naiwang pamilya ni Radyoman Ian Binaldo.

Kilala rin si Binaldo sa tawag na Antonio Banyera sa kanyang mga tagapakinig sa iFM Baguio.

Paalam at hanggang sa muli Radyoman!

Facebook Comments