Manila, Philippines – Sumakabilang buhay na si Atty. Oliver Lozano sa edad na 77 dahil sa atake sa puso.
Ayon sa kaniyang kabiyak na si Norma Junio Lozano, madaling araw ng Huwebes nang bawian ng buhay si Lozano dahil sa massive heart attack nito noong March 22.
Inakala ng kaniyang misis na bumuti na ang kalagayan niya nang matapos na makalabas ng ospital makalalipas ang limang araw.
Idinaing niya ang paninikip ng dibdib at muling binalik sa ospital. Pero, binawian ng buhay madaling araw ng Huwebes.
Si Lozano ay naging legal counsel ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Bago siya pumanaw, nagharap siya ng petition sa Supreme Court para ipawalang bisa ang pagkakatalaga ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno dahil sa kabiguan na makatugon sa mga mandatory legal requirements.