PAALAM | Dating National Security Adviser Roilo Golez, pumanaw na sa edad 71

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang ilang opisyal sa naulilang pamilya ni dating Congressman at National Security Adviser Roilo Golez.

Sa statement ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kinikilala nila ang malaking kontribusyon ni Golez bilang dating Philippine Navy officer.

Inaalala rin ng AFP ang naging ambag ni Golez sa military history, strategy, national security at geopolitics.


Sinabi naman ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio na nawalan ang bansa ng isa sa pinakamagaling at masipag na taga-depensa ng West Philippine Sea.

Inilarawan naman ni Senadora Grace Poe si Golez bilang isang magaling na public servant.

Ayon sa senadora, isa si Golez sa mga kakaunting tao na mayroong mataas na kaalaman tungkol sa geopolitics, ekonomiya, agham, pamamahala, at lalo na sa national security.

Si Golez ay sumakabilang sa edad na 71 at nagsilbi bilang national security adviser mula taong 2001 hanggang 2004 sa ilalim ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo.

Facebook Comments