UMANGAT | Pilipinas, kabilang sa 20 bansa sa mundo na may pinakamaraming internet users

Manila, Philippines – Isa ang pilipinas sa dalawampung mga nangungunang bansa sa buong mundo sa listahan ng may pinakamaraming gumagamit ng internet.

Sa report ng Internet World Stats, umangat sa ika-labing dalawang ranggo ang Pilipinas mula sa ika-labing lima noong nakaraang taon.

Lumalabs na 63 porsyento ng populasyon sa bansa o katumbas ng mahigit 67 milyon mula 104 milyong Filipino ang mga maituturing na madalas na gumagamit ng internet sa kabila ng pagiging mabagal nito.


Nangunguna naman sa listahan ang China na may mahigit 700 milyon ng kabuuang mahigit isang bilyong populasyon nito ang internet users.

Sinusundan naman ito ng India at pumapangatlo ang Estados Unidos.

Facebook Comments