Brgy. Kapitan na Umano’y Nagbaril sa Sarili, Negatibo sa Paraffin Test!

Ilagan City, Isabela- Negatibo ang naging resulta ng Paraffin Test ni Incoming Brgy. Kapitan Saturnino Caswe ng Barangay Naguilian Norte Lungsod ng Ilagan matapos na paniwalaang nagbaril sa sarili gamit ang kanyang kalibre kwarentay singkong baril kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Police Superintendent Rafael Pagalilauan, ang hepe ng PNP Ilagan sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kung saan nagging negatibo rin ang resulta ng Paraffin test ng kanyang pamilya.

Ayon pa kay Police Superintendent Pagalilauan na hindi pa rin umano masasabing conclusive ang nagging resulta dahil sinisiyasat pa rin umano nila ang ilan sa kanilang mga tinitignang anggulo.


Ilan sa kanilang mga tinitignang anggulo ay ang maaaring pagpapakamatay ni incoming Brgy. Captain Caswe o di kaya’y may ibang taong pumaslang dito.

Inihayag rin ni Police Superintendent Pagalilauan na nahihirapan umano sila sa kanilang isinasagawang imbestigasyon kaya’t humihingi ito ng sapat na panahon upang maresolba na ang naturang kaso.

Facebook Comments