Paano ba puputi ang iyong ngipin?

Isa ang ngipin sa mga nagpapaganda at nagbibigay buhay sa ating mukha at hindi maipagkakait na likas sa ating mga Pilipino ang pagka metikuloso kaya pati ang ating ngipin ay sinisigurado na hindi lamang malinis kung hindi maputi rin.

Narito ang ilan sa mga paraan upang magkaroon ng maputing ngipin:
1. Magtoothbrush gamit ang pinaghalong katas ng lemon at toothpaste
2. Uminom ng tubig pagkatapos kumain dahil inaalis nito ang mga natirang pagkain na kumapit sa iyong ngipin.
3. Iwasang manigarilyo dahil nagdudulot ito ng mantsa sa ating ngipin.
4. Kumonsulta sa doktor upang mapangalagaan ang ngipin.

Tandaan na nasa ating kamay ang pangangalaga ng ating katawan.


Photo credit to Google Images

Facebook Comments