Paano Gumawa ng Christmas Parol Gamit Ang Recycled Materials?

IMAGE FROM: PINTEREST

Ber Months nanaman at paniguradong nararamdaman na ang lamig ng simoy ng hangin dulot ng nalalapit na kapaskuhan. Kaya sa ating mga mommy at daddy, ninong at ninang, ihanda na ang inyong mga regalo dahil ang mga anak, kapitbahay, at mga inaanak ay kakatok na.

Bukod sa mga regalo makikita rin sa  mga tahanan, sa lansangan, at malls ang mga naglalakihang mga parol na mayroong naggagandahang mga palamuti.

Narito ang  ilang mga materyales at hakbang sa paggawa ng isang recycled parol.


 

MATERYALES:

  • Christmas garland
  • Glitters
  • Gunting
  • Pandikit
  • Rubber band
  • Tali
  • Tatlong pirasong bote na may takip

 

PROSESO:

  1. Mula sa itaas na bahagi ng bote hatiin ito sa lima na hindi sasagad sa pinakailalim nito.
  2. Tupiin ang mga ito hanggang sa maghugis bituin.
  3. Hatiin sa anim ang bawat bahagi (pahalang).
  4. Gamit ang rubber band, itali ang bawat dulo ng mga nagupit na bahagi.
  5. Ihanda ang dalawang bote.
  6. Hatiin sa gitna ang dalawang bote.
  7. Butasan ng dalawa ang mga takip at gumupit ng  tatlong pulgadang tali (2 pirasong tali) at itali ito sa takip ng bote.
  8. Ikabit  sa magkabilang bahagi ang dalawang boteng nagupit na mayroong takip.
  9. Lagyan ng dikit ang bawat dulo nito at budburan ng glitters.
  10. Sa ibabang bahagi ng dalawang boteng may takip, palibutan ito ng christmas garland.  

 


Article written by Marvin Aloroy

Facebook Comments