Marami sa atin ang halos araw-araw problemado dahil sa traffic sa Metro Manila. Walong oras ka na nga sa trabaho kung walang overtime, kailangan mo pang gumugol ng another 2 hours pauwi o papasok (minsan late pa). Kung suusmahin ay kalahating araw ka sa trabaho o 12 hours. Pagdating mo ng bahay ay pagod na pagod ka na at imbis na makipag- bonding sa pamilya ay ipapahinga mo na lang ito o itutulog.
So, paano nga ba natin ito masusulosyunan para hindi na tayo malate sa trabaho upang hindi na din mapag-initan ng ating mga boss dahil ang mga bossing sa panahon ngayon ay ayaw na din tumanggap ng excuse na kaya ka late ay dahil sa traffic. Maaring makatulong ang mga sumusunod:
- Umukupa ng kwarto malapit sa trabaho.
- Mag-mrt kaysa mag bus.
- Huwag dumaan sa Edsa kung may alternate route.
- HIGIT SA LAHAT, huwag sumabay sa rush hour kumbaga umalis ka ng maaga sa bahay. Halimbawa ako na nakatira sa Malabon at pumapasok sa Greenhills, kailangan kong umalis ng bahay quarter to six. 6:30 nasa Mrt north station na ako, pipila ng 20- 30 mins sa mrt at another 15 to 20 minutes mula mrt north to santolan annapolis station. Makakarating ako ng opisina ng 7:20 or 7:30. Maaga pa ito para sa pasok kong alas otso at mas mainam ito dahil hindi ako nagagahol, naghahabol ng oras at may panahon pa ako mag-ayos ng sarili para maging presentable sa trabaho.
Malaki ang kaibahan nito kung aalis ako ng bahay ng 6:30 dahil masikip na ang daan. Tandaan, na sa bawat minuto ilang volume ng sasakyan ang nadadagdag sa kalsada. Malaki ang pinagkaiba ng limang minutong pagitan ng pag-alis sa bahay. Kaya ugaliing umalis ng bahay ng maaga kung ayaw mo naman na umupa ng kwarto malapit sa trabaho.
Article written by Kat Alibio