Paano kumita ng extra sa Pasko?

“Hi idol. Tip naman dyan ng magandang gawing sideline lalo na’t malapit na ang Pasko. Iniisip ko pa lang dami ng inaanak ko, parang gusto ko ng magtago. Housewife ako kaya sweldo lang ni mister ang inaasahan namin. Meron naman akong alkansya kaya kahit papaano may pagsisimulan akong puhunan na pwede ko magamit ngayong darating na okasyon *-Lorie ng Rizal*
*Tip ni Nikka para may extra money sa Pasko*
1. Ano ba kaya mong gawin o saan ka magaling. Kung magaling ka sa pagluluto, simulan mo sa paluto at pagededeliver ng mga ulam o kakanin.
2. Bukod sa pagkain, kapag ganitong magpapasko, uso ang mga rtw o mga damit. Pwede ka mag-start ng online business o sa mga kakilala mo. Pwedeng pahulugan sa mga kakilala.
3. Kapag ganitong maraming tao, magandang ideya ang magihaw-ihaw na may kasamang palamig.
4. Malamig ang panahon kaya naman uso ang mga jacket at damit panlamig. Sumabay ka sa pagbebenta ng mga ukay-ukay na damit.
Follow us on:
*FB:* *iFM Manila:* www.facebook.com/93.9ifmmanila/ *Nikka Loka: *https://www.facebook.com/djnikkaloka939
*Twitter: * https://twitter.com/ifmmanila
*Instagram:* instagram.com/ifmmanila

Facebook Comments