Paano maging responsableng partner sa isang relasyon?

Para maging maayos ang isang relasyon, dapat ay maroon ang bawat isa ng mga sumusunod:

  1. Maging tapat. Ang pagiging tapat sa ating partner ay isa sa mga daan upang mas tumagal ang relasyon. Hangga’t maaari ay iwasan ang pagsisinungaling o paglilihim sa ating partner.

2. Tiwala. Ito ang pinakamatibay na pundasyon para sa isang “healthy” na relasyon. Magandang umpisa ng bawat relasyon ang pagbibigay ng buong tiwala sa ating partner. Isa rin itong daan sa maayos na pagkakaintindihan.


3. Respeto. Matutong igalang ang ating partner sa lahat ng pagkakataon. Pag-usapan muna ang mga bagay-bagay kung may hindi pagkakaunawaan. Iwasang pagbuhatan ng kamay ang bawat isa.

4. Maging maunawain. Mahalagang pakinggan ang ating partner sa lahat ng oras. Matutong magpatawad at humingi ng tawad. Maging mapagkumbaba at iwasan ang masyadong panghuhusga.

5. Quality Time. Pasayahin natin ang ating partner sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na oras para sa inyong dalawa. Mahalagang i-appreciate at pasalamatan ang bawat effort ng ating partner.

 

Article written by Matthew Manalo

Facebook Comments