Nananawagan na ngayon ang Public Employment Service Office (PESO) Binmaley ng mga kabataang nais makapag-trabaho ng pansamantala sa ilalim ng programa ng DOLE na Special Program for the Employment of Students o SPES.
Benepisyaryo sa programang ito ang mga high school students, out-of-school youths at TechVoc Graduate maging ang mga College Students na edad 15-30 anyos pawang residente ng bayan ng Binmaley lamang.
Sa paanyayang ito ng ahensya, limampung (50) slots lamang ang papahintulutang makapasok sa programang ito ng DOLE kung saan magsisimula ang aplikasyon sa darating na Lunes, ika-8-12 ng Mayo, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa Municipal Public Employment Service Office at magdala ng resume o biodata para sa aplikasyon.
Ang SPES ay isang programa ng DOLE katuwang ang mga LGU at mga pribadong kompanya na may layuning magbigay ng temporaryong trabaho sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng sweldo na magagamit sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Sa ilalim nito makakatanggap ang mga benepisyaryo ang nasa P512.05 sa ilalim ng dalawampung araw. |ifmnews
Facebook Comments