Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na posibleng sumanib ang ilang taga Simbahang Katoliko sa Communist Party of the Philippines, New People’s Amry National Democratic Front o CPP-NPA-NDF para pabaksakin ang administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nagismula ang banat ng ilang taga simbahan dahil natalo ang kandidato ng mga ito noong Presidential Elections.
Paliwanag ni Roque, hindi matanggap ng ilang taga simbahan na sila ay talunan kaya kahit anong mangyari ay hindi nila tatanggapin si Pangulong Duterte.
Kaya nga dahil dito aniya ay hindi malayo na magkaisa ang ilan sa mga taga simbahan sa CPP-NPA-NDF para patalsikin ang Gobyerno.
Pero binigyang diin ni Roque na panaginip lamang na mapatatalsik ng mga ito si Pangulong Duterte dahil nanalo ng walang daya si Pangulong Duterte at dapat igalang ang pinili ng taumbayan.