Pabago-bagong posisyon ng gobyerno sa paggamit ng face shield, binatikos ni dating VP Jejomar Binay

“Mag-coordinate kayo”

Ito ang mungkahi ni dating Vice President Jejomar Binay sa Administrasyong Duterte kaugnay ng pabago-bagong polisiya sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.

Tanong ni Binay sa gobyerno, kung may group chat ang mga ito dahil tatlong beses na nagpapalit ng polisiya sa isang araw.


Ani Binay, hindi naman libre ang face shields at ditonapupunta ang sana ay pambili ng pagkain ng mga ordinaryong mamamayan.

Nakukulangan din ang dating bise president sa aksyon sa Anti-COVID efforrts.

Aniya, tumataas ang COVID-19 cases ay dahil natutuon ang pansin ng gobyerno sa maliit na bagay sa halip na tutukan ang contact tracing, testing, at vaccination.

Facebook Comments