Pabahay para sa mahihirap, hindi tinutukan ng gobyerno

Manila, Philippines – Umaalma ang Gabriela sa Kamara sa ginawang pagtapyas ng budget sa National Housing Authority o NHA sa 2018.

Aabot sa 10.45 Billion ang pondong ibinawas sa NHA at mangangahulugan na wala talagang inilaan na pondo para sa housing units ng mga mahihirap na pamilya.

Sa 2.23 Billion na pondo ng NHA, 1.6 Billion dito ay para sa housing ng AFP at PNP habang ang natitirang 624.8 Million ay para sa resettlement ng mga informal settlers.


Ngayon pa lamang ay nahaharap na ang bansa sa 5.7 Million na housing backlog at tiyak na tataas pa ito sa paguumpisa ng Build Build Build Program ng Duterte administration.

Naikumpara pa ng kongresista na mas mataas ang pondo para sa war on drugs ng pamahalaan na aabot sa 900 Million.

Sa pagdinig ng budget ay napag-alaman din na walang proyekto na inilaan para sa mga mahihirap na madi-displace dahil maaapektuhan sa mga itatayong imprastraktura.

Facebook Comments