Inihayag ng Quezon City Government na 5,000 metro kuwadradong lote sa Barangay Baesa ang bibilhin ng Quezon City Government para maging permanente nang pag-aari ng mga informal settler.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, pag-aari ng Univille Development Corporation ang lote sa Howmart Phase 1 na kinatitirikan ng bahay ng 350 informal settlers.
Ide-develop na rin ng city government ang forfeited land sa Howmart Phase 2 para naman sa 320 na pamilya.
Samantala, may limang palapag na housing building ang itatayo na rin sa Gem 5 sa nasabi ring barangay para sa 174 na pamilyang benepisyaryo.
Nais ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng katiyakan ng paninirahan ang 10,000 informal settler families sa loob ng 3 taon.
Facebook Comments