Pabahay sa KADAMAY, hindi libre

Manila, Philippines – Muling nilinaw ni House Committeeon Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na hindi libre ang mgahousing units ng National Housing Authority o NHA.
  Ito ay kabaligtaran sa naunang pahayag ng Pangulong Dutertena ipamimigay na lamang ang pabahay sa KADAMAY.
  Paglilinaw ni Benitez, kailangan itong bayaran at hindipwedeng dumipende palagi sa gobyerno.
  Hindi rin aniya maaaring gawin ang isang programa na purodole out na lamang dahil lilikha ito ng culture of complacency o magreresultasa pagiging Juan Tamad at dependent ng mga tao.
  Maaari aniyang gumawa ang gobyerno ng programa bilangpamalit sa halaga ng bahay na iaaward sa mga beneficiaries tulad ng pagtulongsa construction sa pagawa ng bahay, paglilinis ng kanilang lugar, at iba pa.
  Kung sasanayin na libre palagi ang pabahay sa mgainformal settlers ay tiyak na mawawala ang competitiveness at value ng isangbansa.

Facebook Comments