Pabahay, trabaho at pag-aaral sa TESDA, alok ni DU30 sa mga susukong rebeldeng komunista

Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko.

Ito ay kasabay ng planong muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDFP).

Ayon sa Pangulo – pwedeng maging kapani-pakinabang sa lipunan ang mga susukong rebelde, lalo na sa construction industry.


Nangako rin ang Pangulo na bibigyan ang mga ito ng pabahay, trabaho, at libreng edukasyon sa tulong ng TESDA.

Dagdag pa ng Pangulo – maraming skilled workers tulad ng electricians, plumbers, at construction workers ang gutong magtrabaho sa Middle East dahil sa mataas na sahod, kaya kulang ang manpower ng construction industry sa bansa.

Facebook Comments