PABOR SA EKSTENSYON | Mga kongresista mula sa Mindanao, gusto ng martial law extension

Manila, Philippines – Pabor ang mayorya ng mga kongresista sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa ginanap na caucus ng mga miyembro ng Kamara kasama ang mga executive at security officials, sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na nagsalita ang mga Mindanaoan solons at nagpahayag ng pagpabor sa martial law extension.

Aniya kahit ang mga kongresista na Kristiyano sa Mindanao ay sang-ayon din sa martial law extension.


Nakikita aniya ng mga kongresista ang higit na pangangailangan sa pag-extend ng batas militar dahil sa banta pa rin ng ilang grupo, at pagbibigay din ng seguridad habang nagsasagawa ng rehabilitasyon sa Marawi City.

Samantala, bukas ay magsasagawa ng joint session ang Kongreso para desisyunan ang martial law extension.

Sinabi pa ni Fariñas na pagkatapos ng joint session ay magsasagawa sa kauna-unahang pagkakataon ng sesyon ang Senado sa Kamara.

Ito ay dahil baka makulangan sa oras ang mga senador kung babalik pa sa Senado at masyado itong malayo dito sa Batasan complex.

Facebook Comments