Pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa pagkawala ng Negosyanteng Chinese, Umabot na sa kalahating Milyong Piso!

Cauayan City, Isabela – Umabot na sa kalahating milyong piso ang handang ipagkaloob na pabuya ng Pamilya Pua sa sinumang makakatulong o makakapagturo sa kinaroroonan ng kanilang Padre de pamilya na ilang araw ng nawawala dito sa lungsod ng Cauayan.

Matatandaan na noong Marso 11, 2019 noong lisanin ni Alvin Pua, isang Chinese Businessman ang kanilang bahay at lulan nito ang kanyang puting Izuzu DMAX na may plate number BAA 4002 at hanggang sa ngayon ay hindi pa alam kung nasaan.

Sa ngayon ay nagtutulungan na ang National Bureau of Investigation-Isabela (NBI) at Cauayan City Police Station sa pagtukoy sa kinaroroonan ng nawawalang negosyante.


.

Facebook Comments