Rebeldeng grupo, wala nang aasahang peace talks ayon sa gobyerno

Wala nang maaasahan ang rebeldeng CPP-NPA-NDF na pakikipagugnayan para mabuhay ang peace talks.

 

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa anibersaryo ng Philippine Army sa taguig ay sinabi ng pangulo na permanente na niyang tineterminate ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo.

 

Sinabi ng pangulo, hindi na niya papansinin ang anomang intervention o anomang mga hakbang para bumalik pa sa paguusap.


 

Ito ay habang siya ang nakaupong presidente ng bansa.

 

Matatandaan na tuluyan nang nilusaw ng Malacañang ang government peace panel na nakikipagusap sa CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments