Pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa suspek sa pamamaril sa isang rider sa Quezon City, umakyat na sa P1.5-M

Umaabot na sa ₱1.5-million ang pabuya para sa makakapagturo sa suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang rider sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Bukod kasi sa kalahating milyong pisong pabuya na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagbigay rin ng isang milyong pabuya ang isang senador.

Una nang bumisita sa burol ng nasawing rider ang mga opisyal ng MMDA.


Layon ng pabuya na mapabilis ang pagdakip ng mga awtoridad sa suspek na isa ring rider.

Patuloy rin ang pag-review ng mga awtoridad sa kuha ng CCTV cameras sa pinangyarihan ng krimen.

Tumutulong sana sa mga tauhan ng MMDA ang napatay na rider matapos habulin ng traffic enforcers ang suspek na rider dahil sa paglabag sa batas-trapiko, pero binaril siya nito.

Facebook Comments