Pabuya sa Nawawalang Negosyante sa Cauayan City, Pumalo na sa 1 Million Pesos!

868

*Cauayan City, Isabela- *Tumataginting na isang milyong piso ang handang ibigay na pabuya ng pamilya ng nawawalang negosyanteng chinese dito sa Lungsod ng Cauayan na si Alvin Recobo Pua.


Ayon kay NBI Isabela Provincial Director Timoteo Rejano, nakahanda ang pamilya ng biktima na ibigay ang isang milyong piso sa makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagkakawala ng kanilang padre de pamilya.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na gabay ang NBI Isabela kung nasaan na ang kwarentay syeteng negosyante subalit patuloy pa rin ang kanilang malalimang imbestigasyon sa pagkakawala ni Alvin Pua.

Matatandaan na noong Marso 11, 2019 umalis si Pua sa kanilang bahay lulan ang kanyang puting Izuzu DMAX na may plakang BAA 4002 at hanggang ngayon ay wala pang ideya ang pamilya sa kinahihinatnan nito.

Facebook Comments