Nagsimula na ang pagpapatupad ng temporary closure ng Pacalat River sa Mangatarem kahapon, April 3.
Ayon sa Barangay Council, dahilan ng mga nagpapatuloy na infrastructure at road projects na nakakaapekto sa kalidad ng tubig at daan patungo sa ilog kaya pansamantalang isasara ito sa mga turista.
Ilan sa mga proyekto ang pagtatayo ng foot bridge, at old dam na lubha umanong nakaapekto sa pagiging malinaw ng tubig.
Patuloy ang panawagan ng barangay na sumunod at huwag magpumilit pumasok sa Pacalat River upang tuluyang matapos ang mga proyekto para sa ikakaganda ng pook pasyalan.
Sa ngayon, Wala pang tiyak na petsa kung kailan muling bubuksan ang Pacalat River sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments