Tahasang sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na maraming anomalyang nagaganap sa liderato ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Belgica, base sa mga isinasagawa nilang imbestigasyon, lumalabas na marami talagang problema sa PhilHealth.
Madalas din aniyang nakakalusot ang mga anomalya sa ahensiya dahil sa kahinaan sa kanilang I.T. system.
Hindi na rin kailangan ng malaking budget ng PhilHealth para sa I.T projects nito dahil marami nang nag-o-offer ng system upgrade pero binalewala nito.
Kasabay nito, inamin ni Estrobal Laborte, dating Head Executive Assistant ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na ang korapsyon sa ahensiya ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto.
Hindi na kasi kinakaya ng kaniyang konsensiya ang mga nagaganap na katiwalian sa ahensiya kaya umalis na siya sa posisyon.