PACC Comm. Manuelito Luna, pinasisibak ni Sec. Bello

Manila, Philippines – Hihilingin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte na ma-dismiss si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna.

Ayon kay Bello – nararapat lamang na masibak sa pwesto si Luna dahil sa umano ay grave abuse of authority.

Binanggit ng kalihim na nakasaad sa Executive Order (EO) na bumuo sa PACC, dapat magkaroon ng ‘discreet’ na imbestigasyon upang maging patas sa respondent.


Dapat sana ay binigyan siya ng pagkakataon na tumugon at malaman kung sino ang naghain ng reklamo.

Una nang sinabi ng kalihim na handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon.

Matatandaang iniimbestigahan ng PACC si Bello at dalawa pang cabinet officials dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Facebook Comments